Hindi pa tuluyang lusot na sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada sa usapin ng daan-daang milyong pisong insertions sa General Appropriations Acts para sa 2023 at 2025.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson ang pagpapahintulot sa dalawang senador na harapin ang kanilang mga accuser ay hindi nangangahulugang nalinis na sila.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong Huwebes, sinabi ni Lacson na nakita ang P600 milyon na nakalaan umano para sa flood control projects sa Bulacan sa Unprogrammed Funds ng 2023 GAA, na iniuugnay ni Hernandez kay Villanueva.
Ani Lacson, ang P600 milyon ay nakita sa dokumentong galing kay Sen. Sherwin Gatchalian at nakasama sa mga slide na kaniyang iprinisinta . Nauna nang sinabi ni Lacson na may P355 milyon na infrastructure projects sa Bulacan na iniuugnay ni Hernandez kay Sen. Jinggoy Estrada ang natagpuan sa 2025 GAA.
