NAKAKUMPISKA ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas ng nasa 308.03 million pesos na halaga ng iligal na droga sa dalawang taon nitong operasyon sa ilalim ng Marcos Administration, na nakatutok sa drug supply at demand reduction.
Ang mga kinumpiskang kontrabando mula July 2022 hanggang July 2024 ay kinabibilangan ng 25,681.72 grams ng shabu; 12,464.63 grams ng marijuana; at 21,105 grams ng cocaine.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Sa ulat ng PNP Regional Office, 1,358 anti-illegal drug operations ang isinagawa sa naturang panahon na nagresulta sa pagsuko ng 163 drug personalities, pagkamatay ng dalawampu’t anim na iba pa, at pagkaka-aresto sa 1,584 drug personalities.
Sa Press Briefing ng “Kapihan sa Bagong Pilipinas,” sinabi ni PNP Eastern Visayas Regional Director, Brig. Gen. Reynaldo Pawid, nananatiling malaking problema sa bansa ang paglaganap ng iligal na droga, patunay ang halos araw-araw na pag-aresto nila sa mga drug personality.
