NASAKOTE ng mga tauhan ng Butuan City Police Office (BCPO) ang dalawang drug suspects, matapos silbihan ng search warrant sa Barangay Villa Kananga.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit pitundaang gramo ng shabu mula sa mga suspek na may estimated value na 4.7 million pesos.
ALSO READ:
Nakuha rin mula sa kanilang pag-iingat ang isang kalibre kwarenta’y singkong baril na may bala.
Nabatid na isa sa mga naaresto ay classified bilang High-Value Individual habang ang isa pa ay ikinunsiderang Street Level Individual.
Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek na nasa kustodiya ng BCPO.




