MADARAGDAGAN ng lakas ang San Miguel Beerman sa inaasahang pagbabalik ni Seven-Time Reigning PBA MVP June Mar Fajardo sa active line-up ng koponan sa susunod nilang game.
Ayon kay SMB Head Coach Jorge Gallent, nakakabawi na si Fajardo at nabigyan na ito ng go signal ng mga doktor kaya sa tingin niya at puwede na itong maglaro sa last game nila sa Blackwater Bossing.
Ginawa ni Gallent ang pahayag kasunod ng panalo laban sa Terrafirma Dyip sa score na 132-110, noong linggo ng gabi.
Simula Nov. 29 noong nakaraang taon ay nagpahinga muna sa hardcourt si Fajardo makaraang magtamo ng hand injury sa game laban sa Rain or Shine Elasto Painters.