NAKARATING na sa Calbayog City sa tanggapan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang trophy ng 2023 Subaybayani Special Award na ipinagkaloob sa lungsod ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap ni Engr. Ashley Albana ang award sa ngalan ni Mayor Uy at ng City of Calbayog sa awarding ceremony sa Paranaque City noong Nov. 16.
Walumpu’t pito lamang mula sa isalibo pitundaan at labinlimang local government units ang tumanggap ng naturang pagkilala.
Isa rin ang Calbayog City sa siyam na lgus mula sa walumpu’t pito na pinagkalooban ng special award dahil sa matino, mahusay, at maaasahang serbisyo.