29 September 2025
Calbayog City
Overseas

Parusang kamatayan dahil sa panonood ng K-drama at iba pang foreign TV shows, ipinatutupad sa North Korea

north korea k-drama

Mas pinaigting pa ng North Korea ang matinding pagkontrol sa kanilang mamamayan, kasama na ang pag-bitay ng mga taong nahuling nanonood o nagdi-distribute ng foreign films at TV dramas, lalo na ang mga galing South Korea. Ayon sa report ng United Nations (UN), ilan sa mga biktima ay dinala pa sa public execution bilang babala sa iba.

Lumabas sa pagsasaliksik ng UN, batay sa testimonya ng mahigit 300 witnesses at defectors, na mas mahigpit na ngayon ang surveillance at parusa sa bansa kumpara sa mga nakaraang taon. Simula pa noong 2020, may batas na tinatawag na “Reactionary Ideology and Culture Law” na nagbabawal sa anumang uri ng media mula sa South Korea at iba pang tinatawag nilang “hostile states.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).