NAKATAKDANG magsagawa ang inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng special meeting sa susunod na linggo.
Ito ay para talakayin ang mga rekomendasyon sa suspensyon ng excise taxes sa fuel products.
Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM), na siyang namumuno sa DBCC, na sama-samang kikilos ang lupon para sa naturang usapin.
Ayon kay DBM Undersecretary Goddess Hope Libiran, masusing pag-aaralan ng DBCC sa special meeting ang full fiscal implications ng potential excise tax suspension, kasama ang policy responses.




