NIYANIG ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Calatagan sa Batangas, ala singko bente singko ng hapon, kahapon.
Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol, dalawampu’t dalawang kilometro timog kanluran ng Calatagan, at may lalim na isandaan tatlumpu’t tatlong kilometro.
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Naramdaman ang intensity II sa Paluan, Mamburao, at Santa Cruz sa Occidental Mindoro.
Naitala rin ang instrumental intensity II sa Mamburao at Calatagan habang instrumental intensity I sa Abra De Ilog sa Occidental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro; Magallanes, Camona at Tagaytay City sa Cavite; at Abucay, Bataan.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naitalang pinsala dulot ng lindol na tectonic in origin, bagaman posible ang aftershocks.