BUMAGSAK sa ika-anim na sunod na buwan ang External Debt Service ng bansa hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 12.018 billion dollars ang Debt Service Bill sa foreign loans, mas mababa ng 22.82% kumpara sa 15.71 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Bumagsak ng 41.87% o sa 4.77 billion dollars ang principal payments, as of the end of November, mula sa 8.206 billion dollars na na-e-record sa kaparehong panahon noong 2024.
Bumaba rin ang interest payments ng 1.59% o sa 7,248 billion dollars mula sa 7.365 billion dollars.




