PUMANAW na ang Finnish pool player na si Mika Immonen na nanalo ng dalawang World Championships, sa edad na 52, matapos igupo ng Cancer.
Bumuhos ang pakikiramay mula sa Matchroom Sport at kapwa cue artists para kay Immonen, na nagwagi sa 2001 World Pool Championship at 2009 World 10-Ball Championship.
Ayon sa Matchroom Sport, si Immonen na kilala sa bansag na “The Iceman” ay itinuturing ng mga fans at kaibigan bilang isa sa pinakamahusay na player ng bilyar noong kanyang kapanahunan.
Kabilang sa iba pa niyang Accomplishments ay ang dalawang panalo sa US Open Pool Championship na isa sa pinaka-prestihiyosong Nine-Ball Events.




