UMAPAW ang La Mesa dam bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.
Ayon sa inilabas na Hydrological Situationer ng PAGASA, 5:00 ng umaga kahapon (Aug. 28) ay nasa 80.16 meters na ang water level ng La Mesa dam.
ALSO READ:
Ang tubig na nagmumula sa dam ay maaaring makaapekto sa mababang lugar sa Quezon City, Valenzuela at Malabon.
Pinag-iingat ang mga residente sa mabababang lugar lalo na ang mga naninirahan malapit sa river banks.
Ayon sa PAGASA, ang mararanasang pang pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagtaas ng water level sa Tullahan River.