KUKUNIN ng pamahalaang Lungsod ng Borongan sa Eastern Samar ang serbisyo ng mga dating rebelde bilang tour guides sa Hebacong Sea of Clouds, na bagong develop na tourist destination.
Ayon kay Mayor Jose Ivan Dayan Agda, ang naturang hakbang ay magbibigay ng pagkakakitaan sa mga dating rebelde, kasabay ng kanilang pagbabagong buhay.
Bago ang kanilang deployment, sasailalim ang mga dating rebelde sa tour guide training ng city government.
Ang Borongan City ay mayroong isandaang dating rebelde na sumuko sa mga otoridad, as of 2023.