INAASAHANG magbubukas na sa publiko sa susunod na sampung araw ang Pasig River Esplanade.
Ayon kay First Lady Liza Araneta-Marcos, tinatapos na lamang ang finishing works kabilang ang pagpipintura sa walkways at ang mga food stalls.
ALSO READ:
Naging popular na destinasyon ang Pasig River Esplanade para sa mga nais mag-food trip at mamasyal.
Ang proyekto ay bahagi ng Phase 3 ng Pasig River Rehabilitation kung saan dinagdagan ng 2,000 square meters ang open public space sa Plaza Mexico.
Kapag nakumpleto na ito, ang Esplanade ay dudugtong na sa Fort Santiago.




