PATULOY ang pagpapalakas ng Magnolia para sa PBA Philippine Cup Playoffs, matapos hugutin si Will Navarro mula sa Northport Batang Pier.
Kapalit ni Navarro, nakuha naman ng Northport sina Calvin Abueva at Jerrick Balanza.
Si Navarro na Top Player ng Northport ngayong Conference ay mayroong average na 20.57 points at 10.57 rebounds.
Samantala, dadalhin naman ni Abueva ang kanyang veteran presence sa North Port, sa pamamagitan ng kanyang halos isang dekadang experience.
2021 nang mapunta ang tinaguriang “The Beast” sa Magnolia franchise habang si Balanza naman ay naglaro sa koponan simula noong nakaraang taon.