PUMANAW na ang Filipino folk singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72.
Ayon sa dating partner na si Josephine Quiepo, binawian ng buhay ang Pinoy Music Icon sa Philippine Heart Center bunsod ng multiple organ failure, noong Lunes ng gabi.
ALSO READ:
Iñigo Pascual, bibida sa Philippine adaptation ng “The Good Doctor”
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sina Ka Freddie at Josephine ay mayroong mga anak, kabilang ang singer na si Maegan Aguilar.
Samantala, pinasalamatan naman ng misis ni Ka Freddie na si Jovie Albao, ang mga nagmalasakit sa kanyang mister.
Si Ka Freddie ay nakilala sa kanyang hit song na “Anak” na naging International Hit at isinalin sa iba’t ibang lengguwahe.
