NAGHAHANDA na ang Tacloban City government sa pagdagsa ng mga truck para sa nalalapit na pagbubukas ng Tacloban-Amandayehan Roll-on, Roll-off (RORO) route, sa gitna ng limitadong access sa San Juanico Bridge.
Simula noong May 15 ay hindi na pinadaanan ang tulay sa mga sasakyang may bigat na tatlong tonelada pataas, bilang bahagi ng dalawang taong rehabilitasyon ng iconic bridge.
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Ang Tacloban-Amandayehan ay tinukoy bilang best route sa pagitan ng mga isla ng Samar at Leyte, dahil walang tatlumpung minuto ang biyahe sa pagitan ng Tacloban City at Amandayehan Port.
Sa ilalim ng umiiral na polisiya, lahat ng six-wheeler trucks, pataas, ay bawal pumasok sa Tacloban City downtown simula ala singko ng umaga hanggang alas syete ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.
