PUMATAY na ng lima at inaasahang tataas pa ang death toll, sa anim na wildfires na sumiklab sa iba’t ibang bahagi ng Los Angeles County sa California, na karamihan ay hindi pa nako-kontrol.
Pinakahuli sa tinamaan ng wildfire ay ang Hollywood Hills kung saan ipinag-utos na ang evacuation.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Sa ngayon ay hindi pa rin nako-kontrol ang Palisades fire na nasa pagitan ng Malibu at Santa Monica, at umabot na sa mahigit 15,800 acres ang nasunog.
Tinaya sa isanlibong istruktura ang natupok, kaya naman itinuturing itong pinaka-mapaminsalang wildfire sa Los Angeles.
Isa rin sa malawak at mabilis na kumalat ay ang wildfire sa Eaton na lumamon sa kabahayan sa Altadena, at puminsala na sa mahigit 10,000 acres at nasa labintatlunlibong gusali ang nanganganib matupok.
