NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) sa banta ng Major Chikungunya Virus Epidemic sa iba’t ibang panig ng mundo, kasabay ng panawagang agarang aksyon upang ito ay mapigilan.
Ayon sa WHO, nao-obserbahan ang kaparehong Early Warning Signs noong nagkaroon ng Major Outbreak, dalawang dekada na ang nakalipas, at nais nila na maiwasan itong maulit.
Ang Chikungunya ay isang Viral Disease na nakukuha sa kagat ng lamok at nagdudulot ng lagnat, matinding pananakit ng kasukasuan, at kadalasan ay may kasamang panghihina.
Sa ilang mga kaso, maaring itong ikamatay.
Inihayag ng WHO na hindi masyadong kilala ang Chikungunya, subalit na-detect at kumalat na ito sa isandaan at labinsiyam na bansa sa buong mundo, kung saan lima punto anim na bilyong katao ang nalagay sa peligro.