BAHAGI na ng Philippine Navy ang veteran actress na si Nadia Montenegro bilang Reserve Officer matapos nitong makumpleto ang short training course.
Si Nadia, o Nadine M. Pla sa totoong buhay, ay kabilang sa 45 newly graduated army reservist na nakatapos ng tatlumpung araw na training kahapon.
ALSO READ:
Pamilya ni Odette Khan, umapela ng pinansyal na tulong para sa hospitalization ng veteran actress
Sexbomb Girls, dadalhin ang kanilang Reunion Show sa Tacloban
Legal team ni Rhian Ramos, handang kasuhan ang mga aatake sa aktres
Kathryn Bernardo, pinasalamatan ang fans sa pagrespeto sa kanyang personal decisions
Ang naturang event ay dinaluhan ng mga heneral mula sa Philippine Navy at ang nagsilbing guest speaker ay si Senador Robin Padilla.
Inamin ni Nadia na kaya buong tapang siyang sumali sa navy dahil nahawa siya sa patriotism o pagmamahal sa bayan ni Robin.
