MAGTUTULUNGAN ang Department of Transportation at ang Metro Manila Development Authority para tiyaking malinis at walang obstruction sa MRT-3 North at Southbound Walkways para sa maayos at mabilis na daloy ng mga pasahero at pedestrian.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang obstruction sa mga dinaraanan ng pedestrian.
Sinabi ni Dizon na bagaman nauunawaan nila na naghahanapbuhay ang mga vendor, hindi sila maaaring manatili sa mga Walkway ng MRT-3.
Sinita rin ni Dizon ang paniningil ng Metro Point Mall sa mga vendor ng renta sa MRT-3 Southbound Exit kahit sila ay nakapwesto sa lugar na pagmamay-ari ng gobyerno.