Hindi madaanan ng mga bangka ang ilog Pasig mula Polytechnic University of the Philippines (PUP) hanggang Escolta dahil sa mga nakaharang na basura.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tuloy-tuloy naman ang paglilinis sa ilog sa pamamagitan ng mga trash skimmer na mabilis na nakakokolekta ng mga basurang nasa tubig.
Nanawagan naman ang MMDA sa publiko na maging mas responsable sa pagtatapon ng mga basura.
Huwag magtapon sa ilog at iba pang mga daluyan ng tubig upang hindi magkaroon ng mga pagbaha.