Isinailalim sa state of calamity ang buong probinsya ng Cebu bunsod ng lawak ng epekto ng El Niño phenomenon.
Kinumpirma ni Vice Governor Junjun David na inaprubahan ng provincial board ang deklarasyon sa pamamagitan ng resolusyon na inihain ni Board Member Victoria Corominas-Toribio.
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Ang deklarasyon ng state of calamity ang magbibigay-daan sa lokal na pamahalaan para magamit ang karagdagang pondo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente at ipatupad ang price freeze sa basic goods.
Nakapagtala ang konseho ng mahigit labindalawang libong apektadong magsasaka na nagtatanim sa mahigit tatlunlibong ektarya.
Tinaya naman sa 117 million pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng napakainit na panahon sa lalawigan ng Cebu na nagdeklara rin ng water crisis.
