INORGANISA ng lokal na pamahalaan ng Calbayog, sa pakikipagtulungan ng Barangay Payahan, ang Unveiling Ceremony ng street sign, para sa renaming ng dalawang kalye sa lungsod bilang pagkilala kina dating Congressmen Jose A. Roño at Reynaldo S. Uy.
Bilang parangal sa legasiya ng dalawang leaders ng Calbayog, ang city government sa pamamagitan ng mga ordinansa ay nagkaroon ng pagpapalit ng pangalan sa dalawang mahalagang lansangan sa Lungsod.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Ang kalye mula Payahan Bridge hanggang Dagum Bridge ay pinangalangang Jose A. Roño St., bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni dating Mayor Jose A. Roño.
Ang kalye naman mula Maharlika Highway sa Barangay Capoocan-Barangay Carmen Junction patungong Mormon Church Junction sa Brgy. Payahan ay pinangalanang Dr. Reynaldo S. Uy, bilang pagkilala sa serbisyo ni dating Mayor Reynaldo S. Uy.
Ang Street Sign Unveiling Ceremony at Renaming ng mga kalye ay pangmatagalang pagkilala sa mga ambag at Liderato nina Roño at Uy, sa paghubog ng kasaysayan at pag-unlad ng Calbayog City.