SINITA at hinuli ng mga pulis ang tatlong lalaking nakasuot ng balaclavas at vest na may nakalagay na “PRESS” sa rally sa Maynila, kahapon.
Naispatan ang mga indibidwal, malapit sa Plaza Salamanca sa kahabaan ng Kalaw Avenue.
ALSO READ:
Nilapitan ang mga ito ng mga awtoridad matapos mapansin na nakatakip ang kanilang mga mukha, na ipinagbabawal sa ilalim ng bagong ordinansa sa lungsod.
Inimbitahan ang tatlong lalaki sa presinto para sumailalim sa mga tanong.
Nagpakilala ang mga lalaki na contributors ng KS21 Facebook page, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa “Kilusang Septyembre 21,” na inilarawan nila bilang freelance media outfit na pinondohan ng isang hindi tinukoy na Non-Government Organization.




