LABIMPITONG crew members ng Vietnamese-flagged cargo vessel na Viet Hai Star ang nailigtas ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group sa katubigan ng Balabac, Palawan.
Ayon sa PCG, may kargang 4,000 tons ng bigas ang Viet Hai Star nang sumadsad ito 740 meters mula sa Balabac Port.
Umalis ang cargo vessel sa Ho Chi Minh City at patungong Cagayan de Oro City nang madiskubre ng mga tripulante ang tagas sa bahagi ng starboard ng bow.
Wala namang na-detect na anumang oil leaks o spills mula sa nasirang barko.