Bumuo ang PNP ng special tracker teams para hanapin si dating Presidential Spokesman Harry Roque, sa harap ng arrest orders mula sa Kamara.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Marbil na opisyal nilang tinanggap ang kahilingan ng Kamara, kasabay ng pagtiyak na isasakatuparan nila ang order, alinsunod sa kanilang mandato.
ALSO READ:
Goitia dinepensahan ang Unang Ginang: Ang Integridad ay Hindi Dapat Hinuhusgahan Batay sa Tsismis
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Ginarantiyahan din ni Marbil na gagawin nila ang kautusan nang may pinakamataas na lebel ng propesyunalismo at respeto sa due process.
Si Roque ay na-cite in contempt at ipinag-utos ng Kamara na ikulong dahil sa pagtanggi nitong isumite ang mga dokumento na umano’y magbibigay katwiran sa pagdami ng kanyang kayamanan.