NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim na iba pa kaugnay sa kasong malversation through falsification by public document.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay 92.8 million pesos na halaga ng ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ayon sa clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division na si Atty. Dennis Pulma, may nakitang probable cause ang korte para maipalabas ng warrant of arrest.
Nag-isyu din ang korte ng Hold Departure Order laban kay Revilla at iba pang akusado.
Kapwa akusado ni Revilla sa nasabing kaso ang mga dating DPWH officials na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig Emelita Juat, Juanito Mendoza at Christina Pineda.
Samantala, isinilbi na ng National Bureau of Investigation ang warrant of arrest laban kina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza matapos ang kanilang pagdalo sa pagdinig sa Senado.
Si Hernandez at Mendoza ay kapwa akusado ni dating Senador Bong Revilla Jr. sa kasong malversation through falsification by public document sa Sandiganbayan.
Isinagawa ng NBI ang pag-aresto sa dalawa matapos pormal na ilabas ng anti-graft court ang warrant of arrest laban kay Revilla at anim na iba pa.
Kinumpirma naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng NBI para sa nasabing hakbang lalo at sina Hernandez at Mendoza ay kapwa nasa kustodiya ng senado simula noong Setyembre matapos patawan ng contempt.
