NAKATAKDANG bumili ang National Food Authority (NFA) ng nasa 300,000 metric tons ng bigas ngayong taon.
Positibo naman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaabot ng bansa ang record para sa palay production ngayong 2025.
Sa statement, sinabi ni Laurel na nagsisilbi ring Chairman ng NFA Council, na bibili ang ahensya ng kaparehong dami ng bigas gaya noong 2024, para masaklaw ang labinlimang araw na national consumption, alinsunod sa itinatakda ng Amended Rice Tariffication.
Sa ilalim ng kanilang mandato, inatasan ang NFA na magmantina ng sapat na rice buffer stock na ang malaking bahagi ay bibilhin mula sa mga lokal na magsasaka.