18 January 2026
Calbayog City
Entertainment

‘Un/Happy For You’ ng JoshLia, tumabo na ng 253 million pesos sa takilya

PATULOY ang pagtabo sa takilya ng reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na “Un/Happy For You.”

Ayon sa Star Cinema, as of Aug. 24, kumita na ang pelikula ng 253 million pesos.

Noong Huwebes ay nalagpasan na nito ang 200-million peso mark sa local box office pagpasok nito sa second week.

Hawak din ng “Un/Happy For You” ang Biggest Single-Day Gross for a Local Film simula noong pandemic noong 2002, na may 46 million pesos na kita noong Aug. 17.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).