PAG-iisipan muna.
Iyan ang tugon ni Vice President Sara Duterte nang tanungin siya kung handa na ba siyang mag-take over sa Malakanyang bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa bise presidente, baka magkagulo na naman kasi sa bansa kapag sinagot niya ang katanungan.
Sa halip sinabi ni VP Sara na anumang panawagan ng publiko para sa isang mataas na opisyal ng publiko na magpasailalim sa drug test ay hindi dapat na tinatanggihan. Ang mga ganitong hamon ayon kay VP Sara ay dapat tinatanggap agad lalo na kung ikaw ang pinakamataas na pinuno ng bansa.




