DADALO pa rin si Vice President Sara Duterte sa pagbubukas ng 2024 Palarong Pambansa kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education.
Ang taunang National Games na gaganapin sa Cebu ay itinakda sa July 9 hanggang 16.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi rin ni Duterte na dadalo rin siya sa National Learner’s Convergence, National Learning Camp, at Brigada Eskwela.
Noong June 19 ay inanunsyo ni VP Sara ang kanyang pagbibitiw bilang DepEd Secretary at Co-Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), epektibo sa July 19.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa pinangangalanan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging kapalit ni Duterte bilang DepEd Chief.
