MATAPOS ang ilang linggong espekulasyon, kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na unang beses niyang gagawin simula nang mag-umpisa ang kanilang termino.
Sa ambush interview sa isang event sa Davao City, sinabi ng bise presidente na itinalaga niya ang sarili bilang “designated survivor.”
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Sa Amerika, ang designated survivor ay taong nasa presidential line of succession na sadyang inihihiwalay mula sa malalaking pagtitipon upang matiyak na may mauupong presidente sakaling magkaroon ng pag-atake.
Inihayag naman ni House Secretary General Reginald Velasco na hihingi pa rin siya ng official confirmation mula sa opisina ni Duterte tungkol sa naging anunsyo nito, dahil hindi sila nagre-rely lamang sa social media.