ISINISI ng na-ban na Russian Figure Skater na si Kamila Valieva ang kanyang positive doping test sa kinaing strawberry dessert na inihanda ng kanyang lolo.
Ayon sa Court of Arbitration for Sport (CAS), ginamit umano ng lolo ang chopping board kung saan nito dinurog ang kanyang medication pills.
Inilabas ng CAS ang kanilang arbitral award, pati na ang dahilan ng apat na taong doping ban na ipinataw kay Valieva noong enero.
Guilty ang hatol ng pinakamataas na korte sa sport kay Valieva sa paglabag sa anti-doping rule, matapos makitaan ng Trimetazidine ang kinolekta sa kanyang sample noong Dec. 2021, sa Russian National Championships.