ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bilang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTR) si Vicencio “Vince” Bringas Dizon.
Sa mensahe ni Executive Sec. Lucas Bersamin na ibinahagi sa media ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, epektibo ang appointment kay Dizon sa feb. 21.
ALSO READ:
Goitia dinepensahan ang Unang Ginang: Ang Integridad ay Hindi Dapat Hinuhusgahan Batay sa Tsismis
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Binigyan na din ng otorisasyon ng Office of the President si Dizon para umpisahan ang transition sa DOTR sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa team ni Sec. Jaime Bautista.
Si Bautista ay nagbitiw sa pwesto dahil sa problema sa kalusugan.
Isang ekonomista at consultant si Dizon at naging Presidente ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).