SUGATAN ang ilang seminarista habang nasunog ang bahagi ng isang seminary sa Eastern Samar makarang mawala umano sa katinuan ang isa nilang seminarista.
Sa pahayag ng Nativity of Our Lady College Seminary Formators sa Borongan City, madaling araw ng Miyerkules, August 27 nang magpakita ng senyales ng Mental Health Crisis ang isa nilang seminarista.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Tinangka umano nitong sunugin ang ilang bahagi ng gusali, at ang mga kapwa niya semenarista ay hinarass at sinaktan.
Nagpapagaling ngayon sa Eastern Samar Provincial Hospital ang mga nasaktang seminarista.
Ayon sa pahayag ng seminaryo, agad din silang nakipag-ugnayan sa pulisya para humingi ng tulong.
Ang mga seminarians agad isinailalim sa Psychiatric Intervention at Psycho-Social Debriefing matapos ang insidente, habang ang seminarista na nakaranas ng Mental Health Crisis ay dinala sa Psychiatric Facility.
