DARATING sa bansa ngayong araw ng Huwebes ang one hundred sixty-six pang Pinoy na galing sa Kuwait.
Ayon sa Department of Migrant Workers, galing sa Kuwait ay bumiyahe sa Saudi Arabia ang mga Pinoy at mula doon ay sumakay ng flight pauwi sa Pilipinas.
ALSO READ:
Ayon sa DFA, patuloy ang pagpoproseso sa repatriation ng mga Pinoy na nais umuwi sa bansa, kabilang ang mga galing sa Kuwait, Bahrain, Saudi Arabia, Qatar, at UAE.
Ito ay sa kabila ng inanunsyong ceasefire sa rehiyon.
Sa kabila nito, umaasa ang DMW na magpapatuloy na ang paghupa ng kaguluhan sa Middle East at magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan.




