PUMANAW na ang screen veteran at screenwriter na si Dwight Gaston, sa edad na 66.
Kinumpirma ito ng kanyang malapit na kaibigan at kapwa aktor na si Joel Torre sa pamamagitan ng Facebook post, kahapon.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Hindi naman binanggit ang dahilan ng pagkamatay ng veteran actor.
Sinabi ni Torre na hanggang sa mga huling araw ay ipinamalas ni Gaston ang ang kanyang “Incredible Humor.”
Nakilala si Gaston sa mga pelikulang “Oro Plata Mata” at “Scorpio Nights.”
Nagsilbi rin siyang screenwriter para sa “Shake, Rattle, and Roll 1,” “Gagamboy,” “Banyo Queen,” at “Minsan Ko Lang Sasabihin.”
Mas nakilala rin si Gaston matapos lumabas bilang Kuya Dwight sa sikat na Kids’ Show na “Batibot.”
