DAPAT ipatupad ang ruling ng Supreme Court (SC) na nag-aalis sa sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa kabila ng nakabinbing apela sa naturang desisyon.
Ipinaliwanag ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting na ang ibig sabihin ng immediately executory ay dapat ipatupad nang buo ang desisyon sa kabila ng pending motion for reconsideration.
Idinagdag ni Ting na consistent ang korte suprema sa mga nauna nitong rulings, at ibinaba ang desisyon na dapat agad itong maipatupad, at hindi maaring ipagpaliban ang halalan.
Noong nakaraang linggo ay hiniling ng Bangsamoro Government sa kataas-taasang hukuman na muling isama ang lalawigan ng Sulu sa BARMM. Nakatakdang idaos ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Region sa Mayo sa susunod na taon, at hindi na kasali rito ang Sulu.