NAKATAKDANG magsilbi para sa kanyang ikalawang termino si Incumbent Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.
As of 10:37 kagabi, nakakuha si Gatchalian na unopposed o walang kalaban ng 268,841 votes, batay sa 72.99 percent ng election returns.
Nangunguna naman si Marlon Alejandrino sa vice mayoral race na may 233,267 votes habang sumunod si Gilbert Gamas na may 49,019 votes.
Si Gatchalian ay ikatlong miyembro ng kanyang pamilya na may political position, kasama ang mga kapatid na sina senator Sherwin Gatchalian at Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.