KABUUANG labing anim na katao ang nasawi sa apatnapu’t anim na validated election-related incidents simula nang mag-umpisa ang election period noong Jan. 12, 2025.
Sa press briefing, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Randulf Tuaño na hindi pa naba-validate ng mga awtoridad ang tatlumpu’t isang suspected election-related incidents.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Sa kabila naman ng mga napaulat na karahasan at pagkaantala, inihayag ni Tuaño na generally peaceful ang May 2025 midterm elections.
