WALANG Pinoy na naapektuhan sa deadly snowstorm na naranasan sa iba’t ibang panig ng US.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, base sa ulat ng mga embahada at konsulada, maayos ang kondisyon ng mga Pinoy sa mga apektadong lugar.
Ang Philippine Embassy sa Washington DC, Philippine Consulate General sa New York, Philippine Consulate General sa Chicago at ang Philippine Consulate General sa Houston ay naglabas ng abiso sa mga Pinoy na mag-ingat at agad tumawag sa mga otoridad kapag kailangan ng tulong.
Halos kalahati ng US ang naapektuhan ng snowstorm na nagresulta sa malawakang blackout, pagsasara ng mga lansangan, at kanseladong flights.




