MAY espasyo pa sa bagong Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City at kaya pang mag-accommodate ng dagdag na 1,500 na detainees.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, may capacity na 5,000 ang bilangguan at sa ngayon ay mayroon itong 3,500 PDLs.
Ang pahayag ni Bustinera ay kasunod ng napipintong pagdami pa ng mga maaaresto at makukulong na may kaugnayan sa flood control project scandal.
Ayon sa opisyal, isang regular na bilangguan ang New QC Jail at hindi ito para lamang sa mga sangkot sa flood control controversy.




