BUMAGSAK sa kamay ng mga otoridad ang hinihinalang gunman sa pagpaslang sa broadcaster na si Juan Jumalon o DJ Johnny Walker, sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte.
Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), ang hindi pinangalanang gunman ay nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Misamis Occidental at Zamboanga Del Norte Police.
Noong Marso ay inihayag ng PTFOMS na dalawa mula sa tatlong suspek sa pagpatay sa broadcaster ang dinakip sa Misamis Occidental.
Ang limampu’t pitong taong gulang na si Jumalon ay binaril noong Nobyembre ng nakaraang taon habang naka-live broadcast para sa kanyang radio program sa 94.7 Calamba Gold FM sa kanyang bahay sa Misamis Oriental.