Nasa tatlumpung street dancers sa Santa Catalina, Negros Oriental, ang hinimatay sa gitna ng nakapapasong init ng panahon.
Ang mga naapektuhang indibidwal ay bahagi ng street dance competition para sa pagdiriwang ng Pakol Festival sa naturang bayan.
Ilan sa kanila ay nagpahinga sa malilim na lugar habang ang iba ay isinugod sa local health unit.
Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang mga naapektuhang street dancers.