Ibinida ni Kim Taehyung, na kilala rin bilang V ng BTS, ang kanyang husay sa pagsayaw sa mga bagong video.
Nasorpresa ang mga fans na nakaka-miss sa kanya, dahil nasa gitna ng military service ang K-Pop idol.
Ipinost ni V ang surprise videos sa kanyang Instagram story, na nag-trend sa X (dating twitter) at mabilis na nagkaroon ng 10 million views.
Kasama ni V sa unang video ang renowned choreographer na si Bada Lee at ipinakita ang impressive dance moves sa isang practice studio.
Sa second video, kasama na ng dalawa ang acclaimed dancer na si Gof, na kilala bilang si Lee Do Geon, at Ingyoo Kim, na nag choreograph ng dance routine.
Lahat ng pitong miyembro ng BTS, na kinabibilangan nina V, RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, at Jungkook ay nasa ilalim ng military service.