LUMOBO sa 17.56 trillion pesos ang Total Outstanding Debt ng Pilipinas noong Oktubre.
Batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahil sa bagong mga utang panloob at panlabas, at paghina ng piso kontra dolyar.
Ang pinakabagong pigura ay mas mataas ng 9.62% mula sa 16.020 trillion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong 2024.
Mas mataas din ito ng 0.61% kumpara sa 17.455 trillion pesos noong Setyembre.




