3 April 2025
Calbayog City
Business

Utang ng Pilipinas, pumalo sa record-high na 16.63 trillion pesos hanggang noong Pebrero

UMAKYAT sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas, as of February 2025, batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury.

Pumalo ang outstanding debt ng national government sa 16.63 trillion pesos hanggang noong ikalawang buwan ng taon, na mas mataas ng 1.96% mula sa 16.31 trillion pesos noong January 2025.

Ayon sa Treasury, ang increase ay bunsod ng net issuance ng bagong domestic at external debt para suportahan ang public programs at projects ng pamahalaan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).