NAITALA sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Mayo.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo sa 15.347 trillion pesos ang Outstanding Debt ng National Government noong Mayo na mas mataas ng 2.2 percent o 330.39 billion pesos kumpara sa 15.07 trillion pesos noong Abril.
ALSO READ:
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Iniugnay ng Treasury ang tumaas na utang sa paghina ng piso at patuloy na Financing Efforts ng Pamahalaan.
Ang End-May Debt Stock ay binubuo ng 68.04 percent o 10.442 trillion pesos na utang mula sa Domestic Creditors at 31.96 percent o 4.904 trillion pesos mula sa Foreign Lenders.