LUMOBO sa panibagong record-high ang utang ng Pilipinas, hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa gitna ito ng patuloy na pangungutang ng gobyerno para masuportahan ang budgetary requirements.
ALSO READ:
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, pumalo sa 17.65 trillion pesos ang Outstanding Debt ng National Government.
Mas mataas ito ng 0.49% o 85.84 billion pesos mula sa 17.56-trillion peso level, as of October 2025.
Inihayag ng Treasury na “consistent” ang naturang halaga sa Full-Year Borrowing Program, kahit lagpas ito sa debt ceiling na 17.35 trillion pesos para sa taong 2025.




