1 August 2025
Calbayog City
Business

Utang ng Pilipinas, lumobo na sa mahigit 17 trillion pesos noong Hunyo

LUMAGPAS na sa mahigit labimpitong trilyong piso ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Hunyo.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo na sa 17.267 trillion pesos ang Total Outstanding Debt na mas mataas ng 2.1% kumpara sa 16.918 trillion pesos noong Mayo.

Iniugnay ng Treasury ang Increase sa “Strong Investor Demand for Government Securities,” na may 11.950 trillion pesos na halaga ng Domestic Borrowings.

Naitala naman ang External Debt noong Hunyo sa 5.316 trillion pesos, mas mataas ng 3.5% mula sa 5.138 trillion pesos noong Mayo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).